Ni JAM NAVALES
ANG bawat biyahe sulit. Ganito ang paglalarawan ng isang partylist congressman sa pagbosita ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa iba’t ibang bansa.
Para kay AnaKalusugan partylist Rep. Ray Reyes, marapat na ipagpatuloy ni Marcos ang paglilibot para mas lalong patibayin ang diplomatic relations at matiyak na magkakaroon ng katuparan ang mga naging kasunduan para sa pagpasok ng iba’t-ibang foreign investments sa bansa.
“As our country’s chief salesman, President Marcos is at the forefront of making the Philippines the investment destination of choice,” pahayag ng partylist solon.
“He is the face of the country and should demonstrate that we are ready to engage and coordinate with other countries,” dugtong niya.
Ayon sa kongresista, kailangan ang aktibo at personal na pakikipag-ugnayan ng Punong Ehekutibo lalo na para isulong ang rules-based international order, palakasin ang trade at labor relations ng bansa.
“The President’s foreign policy has always been based on our national interest. That said, we would be remiss not to promote strong and multifaceted relationships with the end goal of mutually beneficial outcomes,” ani Reyes.
Giit ng pro-health advocate lawmaker, mainit ang pagtanggap kay Pangulong Marcos sa pagpunta nito sa iba’t mga bansa, hindi lamang sa hanay ng Filipino communities, kundi maging sa mga foreign dignitaries at businessmen na kanyang nakakaharap.
Kaya naman naniniwala si Reyes na sa mas marami pang pakikipagpulong ni Presidente Marcos sa mga kapwa niya statesman, official at maging financial leaders at investors, mangangahulugan din ng pagbuhos pa ng mga dayuhang pamumuhunan at paglikha mas maraming trabaho at pinalawak ng oportunidad para sa sambayanang Pilipino.
Samantala, kaakibat nito, sinabi ni Reyes na dapat masiguro rin ang pagkakaroon ng matibay na suporta mula sa mga mambabatas ang mga ginagawa ni Pangulong Marcos na pagpapakilala sa Pilipinas bilang mabuting investment destination.
“Under the leadership of Speaker Martin Romualdez, we in the House of Representatives continue to support our president to ensure that our product, which is the Philippines, is presented in the best possible light,” pagtitiyak naman ng kongresista.
