Ni ROMEO ALLAN BUTUYAN II
KATANGI-tangi ang kagitingan ipinamalas ng Philippine Coast Guard (PCG) na nanindigan at pinigilan ang panibagong tangka ng China gumawa ng artificial island sa Escoda Shoal na pasok sa teritoryo ng bansa.
Gayunpaman, hindi angkop na PCG lang ang maninindigan para sa bayan, ayon kay 1-RIDER Partylist Rep. Rodge Gutierrez kasabay ng panawagan sa Pangulo gumawa ng hakbang para hindi na madagdagan ang mga ginawang artificial islands ng China sa loob ng 200-nautical mile Philippine exclusive economic zone.
“We’d like to commend the PCG at naagapan po ito. Nakita po nila, and now that aware po yung government natin. We’re confident that the executive will take the proper measures to make sure na hindi mangyayari ulit yung nangyari sa ibang shoals,” wika ni Gutierrez sa daily press briefing ng House of Representatives.
Mayroon pang pasaring ang neophyte lawmaker sa pagbaha ng mga pekeng produkto, na pawang China-made, na inihalintulad sa panibagong tangkang illegal reclamation ng naturang bansa.
“Kasi iyon seems to be the technique ng China – ang galing nilang gumawa ng peke, kahit pekeng island kaya po nila,”patutsada ng 1-Rider partylist lawmaker.
Malinaw naman din aniya na bahagi ng Pilipinas ang Escoda Shoal, kasabay ng panawagan sa Palasyo pafra sa ibayong paghihigpit sa pagbabantay sa West Philippine Sea bago pa makasalisi ang mga Tsino.
“Kailangan natin maagapan talaga, nasa teritoryo po natin ito eh. At alam naman nating mga Pilipino, ayaw natin ng peke, hindi po tayo papayag diyan. So again we commend and we support fully the PCG,” dagdag ni Gutierrez.
Binatikos din ng kongresista ang umano’y pagpapadala ng China ng blockade fleet sa Panatag Shoal, na ang target ay idiskaril ang Peace and Solidarity Regatta ng Atin Ito Coalition.
“It seems to be the counter-initiative ng China, blocking a shoal for, I think, a regatta. I’d assume this is a civilian operation. Fun boating lang naman po ito, within our waters. By what authority would they be doing this blockade?”
“Ito po ang problema po natin sa China. They insist on having peaceful negotiations, they force us into bilateral agreements, pero resupply mission ayaw po nila. Food and water sa ating mga sundalo, ayaw po nila. Pag simple traversing of our waters, ayaw po nila, which are again our waters in international standards, because of the arbitration ruling.”
“Tayo po ‘yung tama dito ngunit ayaw po nila. At ngayon hindi po sila papayag for a simple civilian fun boating experience? I think we follow of course the executive, the President, as chief architect of our foreign policy, but we fully support the direction that we’re going, that we’re taking a better, tougher stand po siguro on our territory,” pagtatapos ni Gutierrez.
