DEMONYO lang ang mag-iisip na okay lang magutom ang kapwa basta kumita sila!
Ito mismo ang tinuran ni AGRI partylist Rep. Wilbert Lee kasabay ng kanyang masidhing panawagan para tuluyang wakasan ang talamak na agricultural smuggling at hoarding bansa – gayundin ang pamamayagpag ng mga sindikato sa likod ng negosyong nagpapahirap sa nakakaraming Pilipino.
“When these criminals hoard vital agri-products like rice and onions to increase prices and earn larger profits, they are profiting off the hunger of our impoverished countrymen,” dismayadong pahayag ni Lee.
Kaya naman kinalampag ng Bicolano lawmaker ang mga kinauukulang ahensya, kasama na ang iba’t-ibang law enforcement agencies na maging aktibo sa pagtugis sa mga ilegal na nagpapasok ng agri-products, kasama na ang mga hoarders para agad panagutin batay sa umiiral na batas.
Kasabay nito, umapela rin si Lee sa kanyang mga kapwa mambabatas na suportahan ang inihaing panukalang batas na magbibigay-daan sa pag-amyenda sa Anti-Agricultural Smuggling Act, na ang pangunahing layunin ay protektahan ang sambayanang Pilipino mula sa mga mapagsamantalang negosyante.
Sa inakdang House Bill 5742, isinusulong ng Agri partylist solon na isama ang hoarding at profiteering sa papatawan ng mabigat na parusa, lalo na sa hanay ng mga taong gobyerno sa sandaling mapatunayan nagbibigay proteksyon – kung hindi man kabilang sa agri-smugglers, cartel, hoarders at profiteers
“The penalty of up to life imprisonment and a fine of up to twice the fair value of the smuggled agricultural product or the product subject to hoarding, profiteering, or cartel and the aggregate amount of the taxes, duties and other charges avoided plus interest at the prevailing legal rate shall be imposed on any person who violates the law,” paglalahad pa ni Lee hinggil sa tinuran niyang panukala.