SA kabila ng batas na nagsusulong sa kapakanan at proteksyon ng inang mag-isang nagtataguyod sa pamilya, hindi kinikilala ng mga establisyemento ang diskwento para sa 15 milyong solo parents.
Para kay Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera, higit na angkop pagtuunan ng gobyerno ang mga negosyanteng dedma sa probisyon ng Republic Act 8972 (Solo Parent Act).
Bilang tugon, inihain ni Herrera sa Kamara ang House Resolution 1681 na nagsusulong punan ang pangangailangan at karapatan ng mga solo breadwinner, legal guardian, at caregiver.
“Napapanahon nang kilalanin din ang mga solo parent sa pamamagitan ng mas aktibong representasyon at pagtugon sa kanilang mga hinaing na pansinin din sana at mabiyayaan ng mga programa ng gobyerno,” ani Herrera.
Sa isang pag-aaral, lumalabas humigit-kumulang 15 milyon bilang ng mga pasok sa kategorya ng solo parents. Sa naturang bilang 95% ang single moms.
Kiinastigo rin ng kongresista ang masalimuot na proseso bago makakuha ng ID ang isang single mom na hangad lamang aniya pagkasyahin ang karampot na kita sa pamamagitan ng diskwento.
