ANUMANG oras mula ngayon,ipapadala ng National Investigation (NBI) ang subpoena paliliparin ng National Bureau of Investigation (NBI) ang subpoena laban kina Batangas Rep. Leandro Leviste at former Congressman Jing Paras kaugnay ng umano’y nilulutong “frame-up” laban kay Executive Secretary Ralph Recto.
“It was already signed last Friday but close to office hours, so it will be sent today,” wika ni NBI Director Melvin Matibag.
Aniya, inaasahan ng ahensya ang pagharap nina Leviste at Paras sa Huwebes.
Nauna nang ibinunyag ni Matibag ang umano’y alok na bayad ni Paras sa mga biktima ng human trafficking kapalit ng pagbuo ng kwento at pagpirma ng affidavit na magdidiin kay Recto.
Una nang sumingaw sa isang ulat na unang inilabas ng politiko.com ang umano’y ikinasang patibong ni Leviste laban kay Recto.
“If they will not attend, then we have to deal with it na accordingly kung anong ebidensya ang darating sa amin,” ani Matibag.
“Anyway, there’s already the admission and confession nung mga subjects. That’s why they’re being subpoenaed to clear the light no, kung ano bang participation nila talaga,” dagdag niya.
Gayunpaman, tiniyak ni Matibag ang patas na imbestigasyon, ng giit na pananagutin ang kabilang panig kung hindi totoo ang paratang.
Kapwa itinanggi nina Leviste at Paras ang alegasyon.
