NAKATAKDANG linisin ng Commission on Elections (Comelec) ang talaan ng mga partylist groups – partikular yaong mga talunan sa nakalipas na dalawang halalan, ayon kay Atty. John Rex Laudiangco na tumatayong tagapagsalita ng poll body.
“Tungkol sa existing partylists na nakasali na sa mga nakaraang halalan, maglalabas ang Comelec ng resolution kung saan yung mga sumali at dalawang beses hindi nanalo, maaaring matanggal na sa listahan alinsunod sa Partylist Act. Asahan nyo po na ilalabas ito ng Comelec,” pahayag ni Laudiangco sa Bagong Pilipinas Ngayon public briefing.
Bukod sa mga talunan, target din Comelec magpatupad ng mas mahigpit na proseso sa accreditation ng iba’t ibang grupong nais lumahok partylist election sa Mayo ng susunod na taon.
“Tinitingnan natin kung sila ba ay tunay na representante ng kanilang sektor na nais represent, at kung nako-comply ba ang requirements ng Partylist Act at desisyon ng Korte Suprema,” wika ng Comelec spokesperson
Una nang sinabi ni Comelec Chairman George Garcia ang planong pagbabawas ng mga partylist groups na sasabak sa 2025 midterm election. Mula sa 200 aplikanteng partylist groups, nasa 130 na di umano ang ubunasura habang nasa 17 naman nakapasok sa panuntunan ng poll; body.
Batay sa datos ng Comelec, 177 partylist organizations ang lumahok sa May 2022 general elections.
