
BAHAGYANG tumaas ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho batay sa pinakahuling pag-aaral ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Ayon sa PSA, sumampa sa 2.33 milyon (katumbas ng 4.5 unemployment rate) noong buwan ng Hunyo ng kasalukuyang taon ang mga ‘unemployed’ – na anila’y mas mataas ng 159,000 kumpara sa naitala para sa buwan ng Mayo 2023.
“The number of unemployed persons in June 2023 decreased to 2.33 million from 2.99 million in June 2022, posting a year-on-year decline of 663 thousand unemployed persons,” saad ng PSA sa inilabas na pagsusuri.
“However, the number of unemployed persons in June 2023 was higher by 159 thousand compared with the number of unemployed persons in May 2023.”
Bukod sa unemployment rate, bahagi rin ng pagsusuri ang underemployment rate: 12% (katumbas ng 5.87 milyon), employment rate na 95.5% (katumbas ng 48.84 milyon) at labor force participation rate na 66.1%