November 12, 2024

saksipinas

Palaban, Walang Kinikilingan

TERMINO NG AFP CHIEF, LIMITADO LANG SA 3 TAON

NI EDWIN MORENO

Pinirmahan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act 11939 na nagtatakda ng tatlong taong termino para sa Chief-of-Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Sa ilalim ng bagong batas, tuluyan na rin nawalan ng bisa ang RA 11709 na nilagdaan ni dating Pangulo Rodrigo Duterte dalawang buwan bago bumaba sa pwesto.

“The new law further strengthens professionalism and promotes the continuity of policies and modernization initiatives in the Armed Forces of the Philippines (AFP), particularly by amending the compulsory retirement age and maximum tenure of its officers and personnel,” saad ng isang kalatas mula sa Palasyo.

Pasok din sa bagong batas ang kapangyarihan ng Pangulo na ipawalambisa ang pagtatalaga ng AFP chief sa anumang kadahilanan.

Dalawang taon naman ang pwedeng ilagi sa pwesto ng Commanding General ng Philippine Army at Philippine Air Force, gayundin ang Flag Officer in Command ng Philippine Navy at Superintendent ng Philippine Military Academy.

Bahagi rin ng RA 11939 ang mga panuntunan sa promotion ng mga Heneral at Commodore – kailangan may isang taon pa bago ang compulsory retirement age.

Ipinako naman sa 57-anyos ang compulsory retirement ng mga 2nd Lieutenant at enlisted personnel hanggang Lieutenant General o Vice Admiral.

Para sa mga nasa Corps of Professors, edad 60-anyos ang itinakdang retirement age.