KUNG pagbabatayan ang resulta ng pinakahuling survey na isinagawa ng Pulse Asia Research, hindi na kumpyansa ang sambayanan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa datos ng Pulse Asia Research, sumubsob sa antas na 32 percent ang trust rating ni Marcos – ang pinakamababa mula nang mahalal bilang Pangulo noong taong 2022.
Sa pagbagsak ng trust rating ni Marcos, sumipa naman sa 63 percent ang kumpyansa ng mga mamamayan kay former President Rodrigo Duterte na kasalukuyang nakakulong sa Netherlands matapos dakpin ang isuko ng administrasyon sa International Criminal Court.
Samantala, nakasungkit ng 50 percent trust rating si Vice President Sara Duterte na nakatakdang isalang sa impeachment trial sa nalalapit na pagbubukas ng 20th Congress sa Hunyo.
Isinagawa ng Pulse Asia Research ang survey mula Mayo 6 hanggang 9, 2025.
