MAHABA-HABANG pasensya ang hirit ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa mga pasahero’t motoristang bumabagtas sa kahabaan ng EDSA.
Sa isang pahayag, inamin ni BPWH Secretary Manuel Bonoan na hindi magiging madali ang isasagawang rehabilitasyon ng EDSA.
Sa pagtataya ng Kalihim, aabutin pa ng 2027 ang proyektong naglalayon aniyang isaayos ang daloy ng trapiko sa pangunahing kalsadang bumabagtas mula sa timog hanggang hilaga ng National Capital Region (NCR).
Partikular na tinukoy ni Bonoan ang pagkukumpuni sa 200 kilometrong southbound at northbound lanes ng EDSA alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Isang linggo matapos ang paghahanda para sa rehabilitasyon, sinabi ni Bonoan na sisimulan na ng kagawaran ang paghuhukay ng kalsada. Target sa unang bahagi ng proyekto ang bahaging sakop ng Pasay hanggang Guadalupa sa lungsod ng MAkati.
Samantala, nilinaw ni Transportation Secretary Vince Dizon na magpapatuloy ang operasyon ng EDSA busway para sa libo-libong commuters.
