WALANG puknat na oil price increase ang nagtulak sa hanay ng mga operator at tsuper na kalampagin ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para aksyunan ang petisyong naglalayong itaas sa P15 ang minimum fare sa mga pampasadang jeep.
Ayon kay LTFRB Chairman Teofilo Guadiz, agad na pagtutuunan ng ahensya ang petisyon ng mga transport groups, kasabay pag-amin na batid ng ahensya ang sitwasyon ng mga hamon na kinakaharap ng mga tsuper at operator bunsod ng lingguhang pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo at mga bilihin.
“The LTFRB is reviewing the petition thoroughly and will consider all relevant factors, including fuel price trends, inflation rates, and the overall economic impact on the riding public,” wika ni Guadiz.
Gayunpaman, nilinaw ng LTFRB chief na obligasyon pa rin ng ahensya timbangin ang epekto sa mga pasahero lalo pa’t patuloy rin ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado.
“We assure all stakeholders that the board will conduct public hearings and consultations to ensure transparency and inclusivity in the decision-making process,” dagdag ni Guadiz.
Sa ngayon, nanatili sa P13 ang minimum fare sa jeep.
