PARA kay dating Surigao del Norte Rep. Ace Barbers, ang usapin sa tagong yaman na nakapaloob sa Article II, ang tatapos sa political career ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Barbers na tumatayong impeachment adviser at spokesperson ng prosekusyon, mahirap itanggi ang mga documentary evidence na naiprisinta sa impeachment trial lalo pa’t mula sa official government records at private financial institutions ang pinagmulan ng mga ebidensya.

Ginawa ng pahayag ang pahayag matapos sumalang bilang prosecution expert witness si forensic financial analyst Atty. Alexander Cabrera sa Senate impeachment court.

“Dahil ang datos, ang dokumento ay hindi nagsisinungaling. Lahat po ng sinabi ng prosecution dito sa allegation, dito sa article na ito ay nakasulat sa mga dokumento,” wika ni Barbers.

“Galing mismo sa ating mga government institutions and respectable, reputable private institutions gaya ng mga bangko,” dugtong ng dating kongresista.

Ginamit din pagpapatibay ng prosekusyon sa naturang alegayon ang aktwal na Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALNs) na isinumite ng pangalawang pangulo.

Base sa ginawang analysis report ni Cabrera, aabot umano sa P817,874,867 ang unexplained wealth ni Duterte at mister na si Atty. Manases Carpio sa pagitan ng 2022 at 2025 — kabilang ang undeclared cash, at iba pang personal and real properties, at tubo ng deposito sa bangko gayundin ang kinita sa negosyo.

Nakasaad sa Table 39 ng ulat na iprinisinta ni Cabrera  sa Senate impeachment trial, nakatala ang annual totals na P190,628,012 noong 2022; P167,337,227 naman noong 2023; P264,217,123 noong 2024 at P195,692,505 naman nitong 2025.

Ayon kay Barbers, nailatag din ng prosekusyon ang testimonya at records mula sa mga bangko, insurers at securities firms kung saan naungkat ang business interest ng mag-asawa sa Metro City Chow, Cale88 at GenCorp. 

“So paano po natin i-dispute ’yan? Paano po natin i-counter ’yan?” 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *