KAHIT walang balasahan, dalawang Kalihim ang nalaglag sa gabinete ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa isang panayam, partikular na tinukoy ni Marcos si Henry Aguda na umano’y nagbitiw sa bilang Kalihim ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ilang araw na ang nakalipas.

“We were holding it back [before] we’ll be able to announce his replacement. But the Ombudsman already spilled the beans,” wika ng Pangulo.

Bukod kay Aguda, laglag din sa pwesto si Secretary Dave Gomez ng Presidential Communications Office (PCO) matapos “i-bypass” ng Commission on Appointments. 

Gayunpaman, nilinaw ni Marcos na hindi apektado ang operasyon ng PCO. Katunayan aniya, may papalit na kay Gomez.

Nang tanungin, hayagang tinukoy ni Marcos si PTV General Manager Lino Cayetano bilang bagong PCO Secretary. Kapatid ng bagong Kalihim sena Senador Alan Peter at Pia Cayetano na kapwa nasa panig ng oposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *