
HINDI bababa sa 400 politiko ang posibleng malaglag kalusin sa talaan ng mga kandidatong umano’y sangkot sa vote-buying at abuse of state resources.
Ayon kay Commission on Elections Commissioner Ernesto Maceda Jr., na tumatayong tagapamuno ng Committee on Kontra Bigay (CKB), patuloy ang pagpasok ng sumbong laban sa mga kandidatong gumagamit ng pera para tiyakin ang panalo sa halalan.
Kabilang aniya sa mga nasa talaan ng posibleng i-disqualify ang mga reelectionists na sinasabing gumagamit ng pondo ng pamahalaan sa pangangampanya.
Sa kabuuan aniya, nasa 439 ang kabuuang bilang ng mga ulat na natanggap ng komisyon — 268 ang sinisilip para sa vote-buying, 130 para sa abuse of state resources at 41 para sa parehong kaso.
Pinakamarami naman aniya sa mga kaso ay may kinalaman sa pamumudmod ng salapi, pagsakay sa distribusyon ng financial assistance ng pamahalaan, at pamamahagi ng iba’t-ibang regalo.