PARA kay former President Rodrigo Duterte, mas angkop na gampanan ng na lang ng anak niyang si Sara ang tungkulin bilang pangalawang pangulo ng bansa kesa mag pabalik-balik sa The Netherlands para dumalaw sa kanya.
Pag-amin ni Vice President Sara Duterte, inutusan siya ang amang nakakulong sa The Hague, Netherlands na iwasan na ang pagbisita sa Scheveningen Jail.
“Yung bilin niya is yung kanyang ano, yung huwag na daw siya bisitahin, huwag na daw siya balikan dahil nakakaabala daw,” wika ni VP Sara.
“Sagot ko naman sa kanya, sabi ko, hindi pwede yun dahil ang daming nag-aantay doon sa labas na gustong bumisita sa iyo… kaya kami yung pumapasok para ipaabot sa iyo kung ano yung sinasabi nila. At mapaabot mo naman sa amin kung ano yung gusto mong sabihin para sa kanila,” dugtong ng pangalawang pangulo.
Nahaharap ang dating pangulo sa kasong crimes against humanity kaugnay ng madugong giyera kontra droga sa panahon ng panunungkulan bilang presidente ng Pilipinas.
