ILANG araw matapos ihayag ang pagbawi ng kandidatura sa pagka-senador ng isang partylist congressman, umatras na rin sa 2025 senatorial race si Doc Willie Ong para unahin umano ang kanyang kalusugan.
“I am officially withdrawing my candidacy for the 2025 elections. So I can focus more on taking care of my health,” wika ni Ong sa isang pahayag sa social media.
Sa kabila ng pag-atras ng kandidatura, tiniyak naman ni Ong na tuloy ang adbokasiya para sa wastong pamamahala, gayundin aniya ang suporta sa mga kandidatong nagsusulong sa kapakanan ng mga Pilipino.
“I will continue to support good governance and the candidates who espouse the same ideals as mine. Our advocacy to help the poor Filipinos continues even in my private capacity,” dagdag ni Ong.
Buwan ng Setyembre ng nakalipas na taon nang ihayag ni Ong ang lumalalang kondisyon bunsod ng kanser.
