TATAWID sa susunod na administrasyon ang mga kasong may kinalaman sa flood control scandal hanggat hindi pa naibabalik ng gobyerno sa Pilipinas si dating Ako Bicol partylist Rep. Zaldy Co.
Sa isang panayam sa Bilyonaryo News Channel, pinuna ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang tila kawalan ng interes ng pamahalaan ibalik si Co sa Pilipinas.
Para kay Magalong, hindi tuluyang mapapanagot ang iba pang opisyal na sangkot sa flood control scandal kung hindi maisasalang sa husgado ang puganteng mambabatas na may malalim na koneksyon sa mga kasapakat sa anomalya.
Pinuna rin ng alkalde ang mabagal na pag-usad ng imbestigasyon sa flood control scandal na tila pahiwatig sa napipi9ntong pagbasura ng kaso dahil sa kawalan ng testigo tulad ni Co.
“Ang mahirap kasi dun sa kaso, lalong-lalo na kay former Speaker Romualdez, ang daming layers. ‘Yun ang feedbacks na nakuha ko sa mga senators na nakausap ko during the hearings. At the same time, ‘yung mga revelations din niya during the ICI,” ani Magalong.
“Ang daming layers. Para talagang makikita mong ang hirap i-connect sa kanya. Ganun kagaling ‘yung kanyang sistema,” dagdag niya.
Para kay Magalong, tanging si Co ang susi para tuluyang madiin si Romualdez sa eskandalo.
“Yung revelation niya [Co], testimonial. Kaya lang, seryoso ba talagang ibalik si Zaldy Co?”
