SAMPUNG araw matapos ang matagumpay na pagpapatalsik kay Senador Juan Miguel Zubiri bilang Senate President, inamin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na timbrado sa kanya ang planong kudeta na itinulak ng ngayo’y Senate President Francis Escudero.
Gayunpaman, nilinaw ni Marcos na wala siyang kinalaman at lalo hindi rin umano siya bahagi ng naturang plano.
Katunayan aniya, mismong si Escudero ang tumawag sa kanya para i-konsulta ang planong kudeta sa Senado.
“Actually, it was Senator Chiz. At the minute he started thinking about it, he already brought it up and said: ‘I think I am going to try to be the SP. What is my situation? What do you think?’ ” paglalahad aniya ni Escudero sa kanya.
Hindi rin umano niya alam kung bakit naglabas ng maanghang na patutsada si Zubiri sa tinawag ng dating Senate President na “powers that be.”
“I guess if you are Senate President the only power that be is the President. So, I am not sure what he is referring to, if there is a specific instance or just as a general principle. I don’t know, I have not spoken to him about it,” wika ng Pangulo.
Dahil dito kaya mahirap umanong sagutin ito, dahil hindi niya alam ang tinutukoy na instructions ng dating Senate president.
Nalaman na lamang anya niya na napalitan na ang liderato sa Senado nang tanungin kung ano ang kanyang reaksyon dito at hindi rin siya nakipag-usap sa kahit kaninong partido dahil nasa out of town siya noong nangyari ang palitan ng liderato.
Aniya, nasa kamay ng mga kasamahan ni Zubiri ang pagpapasya kung sino ang dapat mamuno sa Senado.
