TULUYAN nang sinampahan ng kaso ang apat na kadete ng Philippine Military Academy (PMA) matapos madawit sa hazing ng isang bagito sa akademya, ayon kay Brig. Gen. Jean Fajardo na tumatayong tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP).
Sa isang pulong-balitaan, sinabi ni Brig. Gen. Jean Fajardo na positibong itinuro ng mismong biktima ang apat na kadete na umano’y nagpahirap sa kanya sa noong Setyembre ng nakalipas na taon.
Kasong paglabag sa Anti-Hazing Law ang isinampa laban sa mga hindi pinangalanang suspek.
Pag-amin ni Fajardo, lumabas na sa PMA ang hindi pinangalanang biktima ng hazing. (EDWIN MORENO)
