SA kabila ng mga pinupukol na kontrobersiya hinggil sa kakulangan ng mga silid-aralan, “all systems go” na ang Department of Education (DepEd) para sa pormal na pagsisimula ng klase sa mga pampublikong paaralan bukas (Agosto 29).
Batay sa pinakahuling datos ng DepEd, pumalo na rin sa 22.8 milyon ang nakapag-enrol sa mga pampublikong paaralan para sa school year (SY) 2023-2024.
Sa naturang bilang, pinakamarami ang naitala sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas,Rizal, Quezon) region may mayroong 3,323,943 enrollees. Nasa ikalawang pwesto naman ang Metro Manila nay may 2,437,041 enrollees habang pumangatlo ang Central Luzon na nakapagtala ng 2,394,421.
Paglilinaw ng DepEd, posible pang madagdagan ang bilang g mga enrollees para sa SY 2023-2024 sa sandaling makumpleto ang datos mula sa mga pampublikong paaralan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.
Taong 2022, 28.4 milyon ang kabuuang bilang ng mga nag-enrol sa 44,931 pampublikong paaralan at 12,162 private schools.