WALANG katotohanan ang mga kumakalat na post sa social media na nagsasabing bubuwagin na ang Senior High School (SHS) program o ang Grade 11 at 12 sa pagpasok ng School Year 2026-2027.
Sa inilabas na abiso, nilinaw ng Department of Education (DepEd) na walang anumang pagbabago sa sistema sa edukasyon, lalom pa’t isang bagong batas lamang anila ang pwedeng lumusaw sa SHS program.
Ayon sa DepEd, ang K-12 program ay itinakda ng batas sa ilalim ng Republic Act No. 10533 (Enhanced Basic Education Act of 2013), kaya’t hindi ito maaaring basta-basta tanggalin nang walang kaukulang amyenda mula sa Kongreso.
Muling pinaalalahanan ng DepEd ang mga magulang, mag-aaral, at publiko na maging maingat at mapanuri sa mga impormasyong nababasa online.
“I-report ang mga maling page at sa official DepEd Philippines account lamang kumuha ng ‘legit’ na balita para hindi ma-stress sa maling akala,” dagdag pa ng DepEd. (EDWIN MORENO)
