MATAPOS ang mahabang paghihintay, tuluyang natupad ang pangarap ng mahigit 16,000 public school teachers — ang pag-usad sa karera sa larangan ng pagtuturo.
Sa isang kalatas, partikular na binigyang pagkilala ni Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia ang inisyatiba ng administrasyong nakatuon sa direksyon.
Para kay Goitia, ang promotion ng mahigit 16,000 guro sa ilalim ng Department of Education (DepEd) ay malinaw na patunay ng epektibong pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Goitia, tuluyang tinugunan ng pmOangulo ang matagal nang dulig ng mga guro — hindi sa pamamagitan ng pangako, kundi sa aktwal na aksyon.
“Hindi ito basta nangyari,” ayon kay Goitia. “May malinaw na desisyon ang pamahalaan na ayusin ang matagal nang hindi naaayos.”
BAWAL ANG ULAGA
Sa DepEd, malinaw ang papel ni Secretary Sonny Angara sa pagsasakatuparan ng direktiba ng Pangulo. Sa kanyang pamumuno, ipinamalas ang kakayahang pagsamahin ang patakaran at implementasyon, mula sa maayos na paglalaan ng pondo hanggang sa paggalaw ng mga proseso sa loob ng ahensya.
Ipinakita rin ang isang kalihim na hindi lamang nagtatakda ng direksyon, kundi marunong din magpatakbo ng sistema.
“Kapag malinaw ang direksyon at magkakasabay kumikilos ang pamahalaan, kusang umuusad ang reporma,” ani Goitia.
GURO AT SISTEMA
Ang promotion ay higit pa sa usapin ng ranggo o sahod. Itoy’y isang pagkilalang matagal nang hinihintay ng mga gurong haligi ng pampublikong edukasyon.
Sa pag-alis ng backlog, ipinakita ng administrasyon na umuusad ang sistema kapag may malinaw na pamumuno at maayos na koordinasyon.
“Hindi magiging seryoso ang anumang reporma sa edukasyon kung napapabayaan ang mga guro,” ani Goitia.
GAWA, HINDI DADA
Pag-amin ni Goitia, hindi umani ng malawak na atensyon ang imlleme tasyon ng teachers’ promotion,’ ngunit ang tunay na halaga aniya’y “mararamdaman araw-araw sa mga paaralan sa buong bansa.”
Aniya, ang handog sa mga guro ay isang patunay ng pamahalaang mas nakatuon sa malinaw na direksyon at kongkretong resulta kaysa palabas.
“Hindi kailangang maging maingay ang pamahalaang gumagana,” pagtatapos ni Goitia. “Ang mahalaga, ito’y tumutupad sa tungkulin nito.”
Si Dr. Jose Antonio Goitia ay Chairman Emeritus ng apat na civic oriented organizations kabilang ang Alyansa ng Bantay sa Kapayapaan at Demokrasya (ABKD), People’s Alliance for Democracy and Reforms (PADER), Liga Independencia Pilipinas (LIPI), at
Filipinos Do Not Yield (FDNY) Movement.
