
KUNG hindi sinunog at winasak ng mga komunista ang mga paaralan, kaunti na lang marahil ang kakulangan sa mga silid-aralan.
Ito ang tugon ni Vice President Sara Duterte sa patutsada ng grupong Alliance of Concerned Teachers (ACT) hinggil sa anila’y pagtanggi ng Department of Education (DepEd) na maglaan ng P100 bilyon kada taon para makapagpatayo ng mga dagdag eskwelahan.
Ayon kay Duterte, na tumatayong Kalihim ng DepEd, imposible at hindi makatotohanan ang hirit ni ACT partylist Rep. France Castro, na bukod sa P100 bilyong buwanang pondo para sa mga bagong gusali ng paaralan ay tinutulak ang pagkuha ng 30,000 karagdagang guro.
Para kay Duterte, malinaw na panlilinlang lang ang hirit ng militanteng kongresista para kontrahin ang mga nakalatag na solusyon ng administrasyong Marcos Jr.
Pag-amin ng Kalihim, matagal ng problema ang kakulangan ng silid-aralan sa mga pampublikong eskwelahan – bagay na aniya’y unti-unting tinutugon naman ng pamahalaan.
Sablay rin aniya ang `timing’ ng ACT sa isinusulong na mungkahi – kung kailan sumiklab ang sagupaan sa Masbate na kagagawan ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA).
Batay sa datos ng DepEd, nasa 55,199 estudyante at 2,815 school personnel ang apektado sa tensyon sa naturang lalawigan.
“ACT Teachers, while silent about the NPA operations, apparently needed to come up with something outrageous to divert the public’s attention away from the damage that the NPA attacks caused to our Masbate learners,” pasaring ni bise-presidente.
“Our objective is to eliminate elements that contribute to learning losses, effectively implement reforms, and exercise fiscal responsibility by using resources wisely through innovations and mechanisms that will improve learning,” dagdag pa niya.
Samantala, kagyat na sumagot ang ACT kaugnay ng patutsada ni Duterte.
“We need actions and solutions from the Department, not red tagging!” saad sa isang bahagi ng dismayadong pahayag sa Facebook ng ACT National Capital Region Union.
“From the United Nations, down to our basic schools, the perceived problem in our education system is the same—underspending in education. Why can’t the Marcos administration decisively allot P14 billion yearly for teacher hiring while the national budget runs to P5 trillion? How can VP Duterte say that targeting 50,000 classrooms yearly is impossible while the best practice was 39,088 classrooms built in 2016?”