HINDI bababa sa 3,000 silid-aralan sa iba’t ibang panig ng bansa ang nasira bunsod ng walang humpay na buhos ng ulan na dala ng bagyo at habagat, ayon ayon sa Department of Education (DepEd).
Sa datos na ibinahagi ng DepEd Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRMS), 1,794 classroom ang bahagyang napinsala, habang nasa 540 silid-aralan ang kailangan buhusan ng pondo dahil sa malaking sira. Kabilang rin umano sa talaan ang 531 na hindi na pakikinabangan.
Bukod sa mga silid-aralan apektado rin ng bangis ng masamang panahon ang 208 hygiene facilities sa mga pampublikong paaralan.
Nasa 131 paaralan naman sa siyam na rehiyon ang ginagamit bilang evacuation centers. (JIMMYLYN VELASCO)
