BUKOD sa legislated P150 wage hike sa mga manggagawa sa pribadong sektor, target din sa senado isabay ang umento para sa mga kawani ng gobyerno.
Panawagan ni Sen. Bong Go na may-akda ng panukalang nagbigay daan sa Republic Act 11466 (Salary Standardization Law), palawigin ang bisa ng naturang batas na nagbigay-daan para sa karagdagang sahod ng mga empleyado sa pamahalaan.
Para kay Go, sukdulan na ang bigat sa pasanin ng publiko bunsod ng mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin sa merkado.
“This year is the last year of the mandated increase, which is why I continue to appeal and push for another SSL to hopefully provide another round of salary increases,” sambit ng senador.
“Sana maging priority rin ito ng administrasyon bilang pagkilala sa serbisyo ng ating mga government workers. Kung ano pong makakatulong sa mga government workers, I’m here to support you. Kahit isang boto lang po ako, ipaglalaban ko kayo parati,” dagdag pa niya.
Hinikayat ng isang mambabatas ang publiko na magsuot ng face mask sa gitna ng mabilis na pagsirit ng COVID-19 positivity rate sa bansa.
Sa kanyang mensahe sa dinaluhang 2nd National Department Of Health Employees Association (NADEA) Convention, partikular na nanawagan si Go sa sektor ng healthcare workers (HCW) na aniya’y direktang tumutugon sa mga tawag ng saklolo.
Para kay Go, hindi matatawaran ang kontribusyon ng mga HCWs sa kasagsagan ng COVID-19, kasabay ng giit sa pamahalaan na ibigay ang nararapat na suporta at proteksyon sa tinawag niyang bayani ng makabagong panahon.
“Hindi ko po dapat palalampasin na pasalamatan po unang-una ang lahat ng mga frontliners — kayo po iyon — sa (inyong mga sakripisyo) lalo na sa panahon ng pandemya. Kayo po ang bugbog-sarado,” sambit ng senador na may akda ng RA 11712 para sa benepisyo at allowance ng mga HWCs sa mga pampublikong ospital o pribadong pagamutan.
Hinimok rin Go ang mga kapwa mambabatas na rebisahin ang Magna Carta for Public Health Workers, isang batas na pinagtibay 22 taon na ang nakalipas.
“It needs to be updated to better address the needs and concerns of our health workers. Many have been working long hours, often without adequate protection and compensation. There is still more to be done to ensure that our health workers are properly compensated and protected,” paliwanag pa niya.
“Pag-aralan natin kung paano natin mai-aangat ang antas ng ating healthcare workers without compromising the financial viability of private hospitals.”