
NAGBABALA ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na paghandaan ang ‘Big One’ o ang nakapapipinsalang lindol sa harap ng mga mapinsalang lindol na tumama sa Surigao del Sur, Sabado ng gabi.
Hinimok ni Phivolcs Director Teresito Bacolcol ang publiko na paghandaan ang malakas na lindol at idinagdag na kailangang laging handa ang emergency bag na may lamang gamot at pagkain ng hanggang tatlong araw.
“We are more prepared now than, say, 20 or years ago,” sab ni Bacolcol.
Inabisuhan din nito ang publiko na maging alerto at huwag mag-panic sakaling may maramdamang malakas na pagyanig.
Sinabi rin ng Phivolcs na ito lamang ang dapat paniwalaan bilang opisyal na pagkukunan ng impormasyon tungkol sa lindol at iba pang kalamidad na nangyayari sa bansa.
“Never rely on posts on social media, which are often unreliable while some are fake news,” sabi pa nito.