
SA gitna ng walang puknat ng pagsipa sa presyo ng mga produktong petrolyo sa merkado, dalawa sa 20 lugar sa karagatang pasok karagatang sakop ng lalawigan ng Palawan ang kumpirmadong may mayamang deposito ng langis
Pag-amin ng Department of Energy (DOE), nagsumite ng ulat ang Israeli energy firm na Ratio Petroleum na nagsagawa ng oil exploration test batay sa kontratang nasungkit sa gobyerno taong 2018.
Sa resulta ng pag-aaral ng naturang kumpanya sa likod ng Service Contract No. 76, dalawa sa 20 lugar ng 638,000-ektaryang sakop ng East-Palawan Basin ang target ng drilling activities sa susunod na limang taon.
Ayon sa DOE, nasa P1.9 bilyon ang kailangan ng kagawaran para sa mas pinalawig ng pag-aaral at paghuhukay sa 1,700-metrong lalim na bahagi ng West Philippine Sea na inaangkin ng bansang Tsina.
“Ratio Petroleum’s initial work program has resulted in the identification of numerous leads that emphasize the prospectiveness of the basin. Several leads show clear anomalies, which supports the concept of the basin being gas prone,” ayon sa pahayag ni Energy Undersecretary Alessandro Sales.