PANGUNGUNAHAN ng Civil Service Commission (CSC) ang isang nationwide tree-growing initiative mula Setyembre 15 hanggang 21 taong kasalukuyang bilang bahagi na rin sa pagdiriwang ng 124th Philippine Civil Service Anniversary (PCSA).
Panawagan ni CSC Chairperson Karlo Nograles sa lahat ng government officials, employees, at maging sa bawat indibidwal mula sa iba’t-ibang non-government organizations at private institutions, lumahok sa aktibidad na naglalayong isulong ang luntiang kapaligiran sa paraan ng pagtatanim ng puno sa mga kabundukan.
Target ng inisyatiba na ito na makapag tanim ng hindi bababa sa 10,000 mga puno at makalikom din ng pondo para sa Pamanang Lingkod Bayani (PLBi) Program ng CSC, na naglalayong suportahan ang pamilya ng bawat namayapang civil servants.
“The third week of the PCSA, themed Linggo ng Malasakit sa Kalikasan, highlights the significance of sustainable environmental efforts and natural resource management,” pahayag ni Nograles.
“This nationwide tree-growing activity not only focuses on environmental conservation but also serves as a tribute to those who gave their lives in service, fostering a sense of patriotism,” dagdag ng CSC chief.
Ang CSC Regional Office VI, sa pakikipagtulungan sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), ang mamumuno sa aktibidad na layon din makatulong sa climate change mitigation campaign sa pamamagitan ng tree-growing at promosyon ng environmental stewardship, habang lumilikom din ng pondo para sa nabanggit na programa ng ahensya.
Sa National Capital Region at Region IV, ang CSC at DENR ay naging magkatuwang, kasama ang Laguna Lake Development Authority sa pagtatanim ng seedlings sa 28 local government units na nakapalibot sa Laguna de Bay.
Ang lokasyon at itinakdang petsa para sa e tree-growing activity sa iba pang mga rehiyon ay ihahayag ng CSC Regional Offices sa pamamagitan ng kanilang official Facebook Pages at sa CSA microsite, na csc.gov.ph/pcsa2024.
Para sa mga interesadong lumuhok, makipag-ugnayan sa pinakamalapit na CSC Regional Office para sa registration link at registration fee na P250. Maaari rin ang walk-in participants base na rin sa kapasyahan ng CSC Regional Offices.
Dagdag ng CSC, ang bawat participants ay makatatanggap ng certificate of participation habang certificate of appreciation naman ang ipagkakaloob sa partner agencies at stakeholders.
“As we celebrate another year of successful public service, we also need to remember the critical need to care for our planet. We are excited for the support of both the public and private sector in our goal to promote environmentalism and patriotism,” ani Chairperson Nograles.
