DEAD on the spot ang dalawang bata matapos bagsakan ng mga batong natipak mula sa isang gusali sa kahabaan ng Tomas Morato Avenue sa Quezon City.
Kwento ng isang saksi, isang malakas na dagundong ang bumulahaw sa mga establisyemento sa nasabing bahagi ng lungsod. Sa pag-aakala na bumagsak na poste ang lumikha ng ingay, agad na lumabas ang netizen.
Dito na tumambad ang dalawang estudyanteng nakahandusay sa bangketa — duguan at wala ng buhay.
Ayon sa naturang netizen, hindi lang umano minsan nangyari ang pagbagsak ng tipak mula sa naturang gusali, subalit ngayon lamang aniya may tinamaan at binawian pa ng buhay.
Walang construction activity nang mangyari ang insidente. (LILY REYES)
