Ni LILY REYES
MULA sa luma at siksikang pasilidad sa Kamuning, Quezon City, ganap nang naibyahe sa kanilang bagong tahanan sa Payatas ang nasa 198 male Persons Deprived of Liberty (PDL).
Ayon kay Quezon City Jail Warden Supt. Warren Geronimo, ang paglipat ng mga tinawag niyang ‘bakasyonista’ ay alinsunod sa isinusulong na decongestion ng Bureau of Jail Management and Penology.
Batay sa impormasyong nakalap ng Saksi Pinas, pawang lalaking bilanggong naglipat-bahay sa mail dormitory ng New Quezon City Jail noong Linggo ng madaling araw.
Abril 6 nang ibiyahhe ang first batch ng PDLs na kinabibilangan ng matatanda at may karamdaman.
Sa isang pahayag, binigyang halaga ni Geronimo ang unti-unting paglipat ng mga PDL sa 2.4-ektaryang pasilidad na may kapasidad na 4,400 inmates para mabawasan ang pagsisikip lalo’t umiiral ang matinding alinsangan dulot ng panahon ng tag-init at umiiral na El Niño phenomenon.
Batay sa pinakahuling datos ng BJMP, mahigit 3,000 libong preso ang nagsisiksikan sa lumang pasilidad na idinisenyo lang para sa 262 bilanggo.
Sa pagsusuri ng mga eksperto, ang lumang pasilidad ay may 1,247 congestion rate.
