NASA 300 pamilya ang nawalan ng tirahan habang dalawa ang sugatan sa sunog na naganap sa residential area sa Tondo, Maynila, Martes ng gabi.

Sinabi ng Bureau of Fire Protection-National Capital Region na tinatayaNng nasa P1.5 milyong halaga ng aria-arian ang naabo sa nasabing insidente.

Ayon kay Barangay Chairman Ronald Lee, nasa 100 kabahayan ang natupok ng apoy.

Isang bumbero ang nagtamo ng sugat sa kamay habang isang 75-anyos na residente ang nalapnos ang paa.

Sinabi ng BFP-NCR na ang sunog ay nagsimula ng alas-9:00 ng gabi at tuluyang naapula ng alas-2:07 ng madaling araw.

By ..

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *