HALOS burdahan ng bala ng hindi pa natutukoy na salarin ang katawan ng isang lalaking kalalaya pa lang, sa Tondo, Maynila.
Sa ulat ng Manila Police District (MPD), dead on arrival ang biktimang kinilala sa pangalang Henry Pangilinan alyas Totong matapos na pagbabarilin ng suspek na nakaangkas sa motor sa kahabaan ng Kalye Bambang sa Tondo.
Kwento ng mga saksi, tinapatan ng naka-backride na suspek na nakasuot ng helmet at kulay itim na long sleeve ang biktimang nakatayo sa gilid ng kalsada.
Agad na tumakas ang salarin sa direksyon ng Jose Abad Santos Avenue.
Buwan ng Oktubre ng kasalukuyang taon nang ganap na makalaya sa Manila City Jail ang ang biktima dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Illegal Possession of Firearms).
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng MPD sa hangaring matukoy ang motibo at pagkakakilanlan ng mga salarin.
