HINDI pa man ganap na nakalabas sa Terminal 1 ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), agad na dinakip ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang isang 48-anyos na babaeng balikbayan. Sa impormasyon na ibinahagi ng pangasiwaan ng paliparan, inaresto ang hindi pinangalanang balikbayan sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong kidnapping, serious illegal detention at estafa. Ayon sa Philippine National Police (PNP), dalawang warrant of arrest ang inilabas ng korte sa Cebu City laban sa suspek. Nakumpirma umanong may dalawang outstanding warrant of arrest laban sa kanya na inisyu ng mga korte sa Cebu City, na kapwa walang inirekomendang piyansa. Mula sa Terminal 1, muling isinakat ang balikbayan sa eroplano para dalhin sa Cebu City kung saan isinampa ang mga nabanggit na kaso. Facebook Twitter/X LinkedIn Post navigation Pagbaha, normal na sa Metro Manila?