HINDI pa man nagtatagal bilang acting director ng National Capital Region Police Office (NCRPO), agad na napalitan sa pwesto si Police Brig. Gen. Anthony Aberin.
Ayon kay Brig. Gen. Jean Fajardo na tumatayong tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP), hinirang bilang bagong NCRPO chief si former Special Action Force (SAF) deputy director Brig. Gen. Manuel Abrugena
Swak din sa balasahan sa hanay ng kapulisan si Southern Police District director Brig. Gen. Bernard Yang na itinalaga naman bilang hepe ng PNP Anti-Cybercrime Group (ACG).
Pinalitan ni Yang si Col. Rommel Batangan na tumayong officer-in-charge ng PNP-ACG.
Paglilinaw ni Fajardo, pinunan lang nina Abrugena at Yang ang mga nabakanteng pwesto matapos sumabit sa pagsalakay sa isang call center na inakalang illegal POGO hub sina former NCRPO chief Maj. Gen. Sidney Hernia at noo’y PNP-ACG deputy chief Major Gen. Ronnie Carriaga noong buwan ng Oktubre. (Lily Reyes)
