
INIHAYAG ng Philippine National Police (PNP) ang pagbaba ng antas ng krimen sa pamamagitan ng Crime Information Reporting and Analysis System (CIRAS), mula Enero 1 hanggang Oktubre 31, 2023 kumpara sa katulad na panahon noong 2022.
Sa istadistika mula sa 17 Police Regional Offices (PROs) sa buong bansa, sinabi sa report ang pagbaba ng iba’t ibang uri ng krimen ay dahil sa pinaigting na operasyon ng kapulisan.
Nasa 8.24% ang ibinaba sa Index Crime Volume sa 2,877 mas kaunting insidente kumapara sa katulad na panahon noong nakaraang taon na umabot sa 8.18% pagbaba ng krimen tulad ng murder, robbery, theft, rape, physical injury, at carnapping na bumaba sa 2,838 ngayong 2023.
Ito ay nangangahulugan ng epektibong inisyatibo ng PNP.
Sinabi ni PNP Chief, PGen Benjamin Acorda Jr. na ang datos ay nangangahulugan ng walang kapagurang pagpapatupad sa tungkulin ng PNP. Ang tagumpay, ayon pa kay Acorda, ay upang masugpo ang kriminalidad sa siyudad at matiyak na ligtas ang pamayanan.