MATAPOS ang halos kalahating taon, tuluyan nang makakaupo bilang hepe ng pambansang pulisya si Philippine National Police acting chief Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez.
Ito ay matapos italaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Gen. Nicolas Torre III bilang bagong general manager ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Sa press briefing sa Palasyo, kinumpirma ni Palace Press Officer Claire Castro ang pagtatalaga ng Pangulo kay Torre na sinibak limang buwan na ang nakaraan bunsod ng alitan kay Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla.
