
NIYANIG ng isang malakas na lindol ang Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon), kasama ang mga pangunahing lungsod sa National Capital Region (NCR), ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Natukoy ang sentro ng lindol 15 kilometro ang layo sa timog kanlurang bahagi ng Calatagan sa lalawigan ng Batangas.
Sa paunang ulat ng Phivolcs, ang lindol na tumama sa Luzon dakong alas 10:00 ng umaga ay dulot ng panggalaw sa ilalim ng karagatan ng Manila Trench.
“Wala pong kinalaman dito yong mga nangyayaring mga volcanic activity within Taal or Mayon,” wika ni Phivolcs senior science specialist Erlinton Oliver.
Nagbabala rin ang ahensya sa nakaambang aftershocks.
Sa NCR, ramdam ang pagyanig na may lakas na Intensity IV. Gayundin sa Rizal at Bulacan.
Wala naman nakikitang posibilidad ng tsunami ang Phivolcs.
Sumipa na rin ang imbentaryo ng pinsala habang patuloy naman inaalam kung may nasaktan sa naturang insidente.
Pansamantala rin itinigil ang operasyon ng Ninoy Aquino International Airport, gayundin ang mga tren ng MRT, LRT at PNR.