Ni LILY REYES
HINDI na umabot pang buhay sa pagamutan ang isang 37-anyos na construction worker makaraang mahulog habang umiihi sa ikatlong palapag ng ginagawang gusali sa Quezon City noong Miyerkules ng gabi.
Kinilala ang biktima sa pangalang Roland Pinoliad, stay-in worker sa stay-in sa gusali sa kahabaan ng Halcon St. sa Barangay Sta. Teresita, ng nasabing lungsod.
Batay sa pagsisiyasat ni PSSg Remcel Jugarap ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), bandang 10:45 ng gabi nang mangyari ang insidente sa construction site.
Ayon sa mga saksi, nagpasya ang mga trabahador na mag-inuman pagkatapos ng maghapong trabaho. Sa gitna ng inuman, nagpaalam umano ang biktima na iihi lang pero dahil sa matinding kalasingan ay nawalan umano ng balanse ang biktimang nahulog mula sa 3rd floor ng ginagawang gusali.
