HINDI pa man nag-iinit sa pwesto, agad na nagpasiklab si Transportation Secretary Vince Dizon. Unang puntirya — apat na bus companies na umano’y labis ang sinisingil na pasahe sa mga pasahero.

Sa isang panayam, partikular na tinukoy ni Dizon ang apat na bus companies na aniyang bumabyahe sa kahabaan ng EDSA Busway —ang Royal Transport Corp., R. Vineyard Transport Corp., Joysell, at Panama.

Bilang pambungad, isinailalim sa imbestigasyon ang mga nasabing kumpanya dahil sa umano’y overcharging o labis na paniningil ng apat na bus company na bumabyahe sa EDSA Busway.

Pinatawag na rin umano ng Kalihim ang mga may-ari ng mga naturang bus companies.

“Kung mapatunayan na talagang lahat sila nag-overcharge, tatanggalin `yung driver, tatanggalin `yung konduktor at papa suspinde `yung kompanya,” babala ni Dizon.

Binalaan din ni Dizon sa iba pang pampublikong sasakyan laban sa aniya’y pang-aabuso sa mga pasahero.

“Di lang EDSA Busway. Buong bansa `pag merong report ng overcharging, one-strike policy kayo sa `kin.” 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *