
KUMPISKADO sa magkakahiwalay na operasyon ng National Bureau of Investigation ang nasa P19-milyong halaga ng mga tinaguriang designer goods sa Caloocan, Valenzuela Parañaque at Maynila.
Sa kalatas ng NBI-National Capital Region (NBI-NCR), sinsamsam ng mga operatiba ang mga pinekeng pabango, tuwalya, bimpo at mga kasuotang kargado ng mamahaling tatak tulad ng Gucci, Victoria’s Secret, at Bath&Body Works.
Nag-ugat ang operasyon batay sa reklamong idinulog ng mga kumpanya sa likod ng mga piniratang produktong binebenta ng lantaran sa mga nasabing lungsod.
Bitbit ang search warrant, kabilang sa mga lugar na sinalakay ng NBI ang dalawang bodega sa Camanava area, dalawang tindahan sa Carriedo Plaza sa Maynila at dalawang retail outlet sa Baclaran sa lungsod ng Parañaque at isang stall sa Two Shopping Center sa lungsod pa rin ng Maynila.