November 12, 2024

saksipinas

Palaban, Walang Kinikilingan

Pasahe sa MRT 3 itataas sa 2024

MATAPOS magtaas ng singil sa pasahe sa Light Rail Transit Line 1 at Line 2 (LRT 1 at LRT 2) noong Agosto, ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT 3) naman ang magtataas ng pasahe sa 2024.

Sinabi ni Timothy John Batan, transportation undersecretary for planning and project development, na ang dagdag pasahe sa MRT 3, ang pinakaabalang train sa metro manila, ay gagamitin upang balikatin ng gobyerno ang iba pang proyekto at programa.

Sa press briefing, sinabi ni Batan na ang fare increase ay tatapat sa nauna nang pagtaas ng pasahe sa LRT 1 at LRT 2, na P2.29 sa boarding fare at P0.21 pagtaas kada kilometro.

Sakaling maipatupad ang panukala, ang minimum fare sa MRT 3 ay magiging mula P13 sa P16, at ang pasaheo sa end-to-end station ay tataas ng mula P28 sa P34.

Hindi naman sinabi ni Batan ang eksaktong petsa ng pagtaas ng pasahero ngunit sinabi nito na pinaplano ng Department of Transportation (DOTr) na magtaas sa 2024.

“We will make an announcement on its effectivity. The public will just have to wait. Our target is not to implement it immediately. We will issue an advance notice to all the passengers so they will not be surprised with the adjusted fares,” sabi ni Batan.