IIMBITAHAN ng Philippine National Police ang mga hinihinalang sangkot sa pag-ambush at pagkakasugat sa mamamahayag at pamilya nito sa Quezon City.
“Ito ay dine-develop na namin, may mga taong ipinatatawag at kukuhanan ng statement,” sabi ni Quezon City Police District Director Police Brigadier General Nicholas Torre III sa interview.
Nakakuha na rin umano ng karagdagang CCTV footage na nagpapakita kung nasaan ang mga suspect bago ang insidente.
Sinabi ni Torre na may mga impormasyon na rin ang kapulisan kung sino ang nasa likod ng pananambang kay Remate Online photographer Joshua Abiad, na kasama ang pamilya nang pagbabarilin ang kanilang sasakyan sa Corumi Street, kanto ng Gazan Street noong alas- 3:45 ng Huwebes ng hapon.
Isang lalaking nakasuot ng itim na jacket ang bumaba ng kotse at sunud-sunod na pinaputukan ang sasakyan habang isang lalaking nakasakay sa motorsiklo ang nagsilbing lookout.
Ligtas na si Abiad at ang kanyang pamilya.
“Nangyari na ang nangyari, siguradong alam niyo kung ano ang pinaggagagawa niyo. Come clean. Buti walang namatay pero napakalubha ng nangyari sa mga bata. Maybe this will be a life in prison for you, sa mga gumawa. I know that you know what you did,” sabi ni Torre.
Karagdagang Balita
PRICE CONTROL HIRIT SA BENTAHAN NG ISDA
PAOCC IWAS-PUSOY SA PALPAK NA POGO RAID SA ERMITA
CAYETANO POLITICAL DYNASTY, LAGLAG SA COMELEC