NAMUMURO ang pagpapataw ng dagdag-presyo sa bentahan ng itlog sa merkado, ayon sa Philippine Egg Board Association (PEBA).
Ang dahilan — limitadong supply bunsod ng pagbagsak ng produksyon dahil sa iba’t ibang sakit ng manok tulad ng bir flu.
A“Ngayong taon po medyo maaga tumaas ang presyo ng itlog. Ang dahilan po nito ay iba’t ibang mga sakit aside from bird flu and also nagkaproblema tayo sa quality ng raw materials na ginagamit natin sa feeds. Nagkaroon ng temporary na kakulangan ng sisiw,” ayon kay PEBA President Francis Uyehara.
Gayunpaman, nilinaw ni Uheyra na patuloy na naghahanap ang mga egg dealers ng paraan sa hangarsin tiyakin ang sapat na supply bago pa man tumaas ang demand sa merkado.
Batay sa monitoring ng Department of Agriculture, nasa P9.25 na ang presyo ng medium-sized egg.
Pag-amin ni Uyehara, posibleng tumagal ng ilang buwan ang kapos na supply, gayundin ang pagbaba ng presyo sa mga pamilihang bayan.
