
ARESTADO ang 25-anyos na pekeng pastor na isang taon nagtatago bunsod ng patong-patong na kaso ng panghahalay sa musmos na biktima.
Kinilala ni Lt. Alladin Alingas ng Barangka Police Sub-Station ang suspek sa pangalang John Paul Benjamin Bayubo, alyas John Benjamin Jardencio at John Paul Diwa ng Barangay Sta. Cruz, Antipolo City. Nahaharap si Bayubo sa kasong statutory rape (3 counts), anti-violence against women at child abuse.
Sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Mohammad Aquil Tamano at Judge Maribeth Rodriguez ng San Mateo Regional Trial Court, inaresto nina Patrolman Eric Montoya at Police Staff Sergeant Diomar Atendido ang suspek sa Provident Village, Barangay Tañong sa Marikina City.
Walang pyansa ang kasong kinakaharap ng suspek na di umano’y nagpapakilalang pastor para ikubli ang tunay na pagkatao.
Nakapiit na si Bayubo sa Marikina PNP detention facility. (Edwin Moreno)