
MULING bumida sa social media ang senador na kabiyak ng pinakamayamang indibidwal sa buong bansa matapos magwala at bulyawan ang kalaban sa pulitika sa posisyon ng kongresista sa lone district ng lungsod ng Las Piñas.
Sa isang viral video, hagip ng kamera ang aktwal na pagwawala ni Senador Cynthia Villar sa loob mismo ng dambana ng Our Lady of Fatima sa loob ng Philam Village, Barangay Pamplona Dos, Las Piñas City.
Ayon sa mga dumalo sa misa, hindi sinasadyang nagkasabay sa pagdalo sa misa si Villar at ang kalaban sa pulitika — si Konsehal Mark Anthony Santos na naghain ng kandidatura para sa kongreso laban sa senador na nasa huling termino.
Hulicam din sa viral video ang panduduro ni Villar kay Santos na hindi naman umimik man lang sa pag-aaboroto ng katunggali sa May 2025 congressional race sa Las Piñas City.
Gayunpaman, napa-atras sa pagkabigla si Vice Mayor April Aguilar na kabilang rin sa mga nagsisimba sa naturang dambana. Pamangkin ng nag-alborotong senador ang vice-mayor na mas piniling suportahan ang kandidatura ni Santos.
Wala pang pahayag ang kampo ni Villar na makailang ulit nang kinuyog sa social media bunsod ng pagiging arogante at matapobre.