NAKAALARMA na sa Land Transportation Office (LTO) ang isang sports utility vehicle (SUV) matapos takasan ng driver ang sugatang rider na nahagip sa Quezon City.
“We already identified the registered owner of the Land Cruiser and we already issued a show cause order. We are yet to determine if the owner was the driver of the vehicle that time, this will be the subject of the ongoing investigation and the reason why he was summoned,” ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza.
Ani Mendoza, inaalam na ng ahensiya kung sino ang may-ari ng Land Cruiser na may plakang NAJ9218, kasabay ng pangakong papatawan ng 90-araw na suspensyon ang lisensya ng tumakas na driver.
Batay sa imbestigasyon, nakabanggaan ng Land Cruiser ang moktorsiklo sa Commonwealth Avenue harap ng UP Technohub, Quezon City.
Nang makitang bumagsak at nasugatan ang rider, sa halip na tulungan ay tinakasan pa umano ito ng SUV driver ang biktima. Mabilis na dinala ng mga bystander ang biktima sa pagamutan para sa agarang lunas. (LILY REYES)
