Ni Ernie Reyes
NAIS ni Senador Edgardo “Sonny”Angara na magkaroon ng patakaran ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan na magtatakda upang bigyan ng prayoridad ang produktong lokal sa pangangailangan ng kanilang tanggapan.
Inihayag ito ni Angara sa ikalawang pagdinig ng Senado sa Senate Bill 2218 o ang Tatak Pinoy Act, na magbibigay preference sa lahat ng lokal an produkto, supplies at materyales sa procurement activities ng gobyerno.
“Government should set an example; they should buy local. We need to have a policy in place wherein priority is given to local manufacturers in the procurement process,” ayon kay Angara.
“What we want to establish, as part of our Tatak Pinoy advocacy, is a design identity for the Philippines. We want to create a Philippine brand that will be even more renowned than it already is right now. We can do this by scaling up industries and making them more competitive, particularly in the global marketplace,” dagdag niya.
Sinabi ni Angara, na pinapayagan ng Government Procurement Reform Act na magbigay ng procurement award sa may pinakamababang tawad o lowest domestic bid, na hindi lalampas sa 15 percent ng lowest foreign bid.
Pero, ayon kay Angara, hindi ito sapat upang magkaroon ng epekto ang pagkilos na suportahan ng local industries.
Binanggit ni Angara na kahit ang kilalang furniture designer, Kenneth Cobonpue ay nagrereklamo sa pagdinig na kahit pribadong sektor ay hindi sumusuporta sa locally manufactured products.
“Cobonpue stressed the need for a stronger ecosystem which will allow local manufacturers to create products that are cheaper and more accessible to a wide market,” ayon kay Angara.
Nasiyahan din ang mambabatas sa pahayag ng Palasyo sa pangangailanngan na itaas ang antas ng Pilipinas sa export game upang makipagkumpetensiya sa dayuhang pamilihan.
“We are elated to have the President on the same page with us on the need to diversify our exports. This will now put this push for economic complexity at the front and center of the government’s policies and we will provide all the support we can on this effort,” ayon kay Angara.