
NANG likhain sa bisa ng batas ang Land Transportation Office (LTO), malinaw ang mandato — isaayos ang sistema ng transportasyon sa mga lansangan.
Pero sa halip na kauyusan sa lansangan, ginawang kumikitang kabuhayan ng mga pinagkatiwalaan pamunuan ang naturang tanggapan.
Isinapribado ang paggawa ng plaka ng mga sasakyan kahit na may plate-making machines naman ang ahensya.
Sa halip na bumili direkta sa manufacturers, mas type kumausap ng supplier para sa plastic cards na karaniwang gamit sa paglilimbag ng driver’s license.
Kumuha ng mga pribadong kumpaya para sa pagsusuri ng mga sasakyan bago irehistro. Pero wag ka — may Motor Vehicle Inspection facility naman pala ang LTO.
Kinontrata ang mga private clinics para sa medical certificates bago iproseso ang pagkuha at renewal ng driver’s license. Ang totoo, pwede naman kilalanin ang resulta ng pagsusuri ng mga pampublikong pagamutan.
Sa tuwing kailangan ng pondo, gumagawa ng problema… nanyo! Pasakit kayo sa mga mamamayang Pilipino!