
SA halip na mainit na pagtanggap, bukol ang salubong ng tatlong nagpapanggap na enkargado ng bagong talagang Central Luzon regional police director.
Wala na tayong paligoy-ligoy pa. Kilalanin natin ang mga damuhong mabilis pa sa kidlat sa paggawa ng pera gamit ang pangalan ng iba — isang Punyente Bernardo at dalawang amuyong na nakilala lang sa pangalang Ricky Sison at alyas Fer.
Bulong ng Kalawit Insider, nag-ikot sa lalawigan ng Bulacan (na teritoryo ni Col. Satur Adiong) si Punyente Bernardo kasama ang dalawang amuyong na sina Sison at Fer bago pa man pormal na maupo si Brig. Gen. Jean Fajardo bilang regional director sa naturang rehiyon.
Ang resulta, sandamakmak na perang mula sa mga ilegalistang sukdulang takutin para sumuka ng perang “pa-welcome” di umano para kay Fajardo.
Bukod kay Fajardo, kabilang sa mga opisyal na kaladkad ni Punyente Bernardo sa pananakot para sa kotong si Col. Jorge Buyacao na tumatayong regional commander ng Criminal and Investigation Group Regional Field Unit Commander.
Bulong ng Kalawit Insider natin, sangkot sa kabi-kabilang insidente ng robbery hold-up sa region 3 si Ricky Sison na amuyong ni Punyente Bernardo.
Pero sadya yatang walang kabusugan si Punyente kaya naman pati si Interior and Local Government Sec. Jonvic Remulla at Napolcom chief Edilberto Leonardo pinanghihingi niya na rin.
But wait there’s more. Pati NBI nasa payola na rin pero ang koleksyon syempre sa kanya lang din.
Hay naku… sa sandaling makarating sa kaalaman ni Gen. Fajardo ang kagaguhan ni Puntente Bernardo pihadong swak sa kulungan ang damuho.