SA ginanap na pagdinig ng bibuong quad committee ng Kamara, hayagang nginuso ni dating Customs intellugence officer Jimmy Guban ang pamilyang Duterte sa nasabat na P11-bilyong halaga ng droga taong 2018.
Pero sa halip na kilalanin sa natatanging husay at tapang sa supilin ang sindikato sa likod ng drug smuggling, pinakulong si Guban sa direktiba di umano ng noo’y Pangulong Rodrigo Duterte.
Kung pagbabatayan ang testimonya ni Guban, lumalabas na hindi kontra salot ang madugong giyera kontra droga ni Duterte kundi para tiyakin ang monopolyo ng sindikatong pinopondohan ni former Presidential Economic Adviser Michael Yang sa kalakalan ng ipinagbabawal na gamot sa bansa.
Sa mata ng isang probinsyano, peke ang drug war ni Duterte na aminadong tumitira ng fentanyl.
Hindi ko maiwasan ikumpara ang datos ng mga nasawi sa unang anim na buwan ng drug war ni Duterte sa bilang ng mga napaslang sa ilalim ng 10 taong Batas Militar ni former President Ferdinand Marcos Sr. na ama ng kasalukuyang Pangulo.
Mas marami ang namatay sa loob lang ng anim na buwan ni Duterte — 30,000 biktima ng pekeng giyera kontra droga.
Ang masaklap, 52 kaso lang ang inimbestagahan. Ang iba, kwits na lang.
Dahil sa kawalan ng hustisya sa panahon ni Duterte, pumasok sa eksena ang International Criminal Court’s (ICC) — bagay na ikinagalit ng Digonyo na nagpasyang kumalas sa Rome Statute na lumikha ng ICC sa paniwalang wala siyang sabit kung di na bahagi ng ICC ang Pinas.
Marahil iniisip ni Digonyo na walang bisa ang pag-eksena ng ICC. Ang totoo, may basehan si Digonyo sa kanyang sapantaha.
Sa bansang Sudan, ganun din ang ginawa ng ICC kay Subanese President Omar Hassan al-Bashir. Pero ang rekamo, walang suporta ng mga tao at maging ng gobyerno.
Subalit iba ang sitwasyon sa Pinas kung saan suportado ng mamamayan at pamahalaan ang kaso kontra Digonyo.
Katunayan, mismong ang quad comm na mismo ang nag-alok ng ebidensya sa ICC bilang tulong sa libo-libong biktima ng madugo pero pekeng giyera kontra droga ni Digonyo na marahil di na halos makatulog sa nerbiyos.
Di kasi kinagat ng ICC ang kwentong ‘nanlaban’ ni dating PNP Chief Ronald dela Rosa (senador na si kumag) na kanyang inatasan pumaslang. Maski sa barberya di lulusot ang istorya.
Maliban sa dugo ng mga libo-libong biktima ng pekeng giyera kontra droga, wala siyang maituturing na legasiya.
Sa isang banda, hindi naman puro patayan ang nangyari sa termino niya.
Sino ba naman makakalimot sa kultura ng e-sabong at illegal POGO na kanyang hinayaan manloko sa milyon-milyong Pinoy na biktima ng lahat na yata ng anyo ng scam na lubos na nagpayaman sa mga Intsik tulad ni Alice Guo.
Sa patuloy na imbestigasyon ng Kamara, hindi malayong sangkot din si Digonyo sa mga illegal POGO.
Money laundering, human trafficking, drug trade, serious illegal detention, prostitution, immigration bribery schemes, cybercrime, love scam at iba pa — yan ang perwisyong dala ng mga Intsik na nasa likod ng mga illegal POGO.
Kung matinong lider si Digonyo, di niya sana hinayaan yan. Pero sa ngalan ng pera at pakikipagkaibigan sa China, lahat yan tinanggap niyang pikit mata.
Di kataka-takang dawit din siya sa mga sinalakay na POGO hub sa Bamban, Tarlac kung saan kasosyo ang kanyang presidential adviser na si Michael Yang.
Mas tumibay pa ang kanyang kaugnayan sa lintek na POGO nang mabisto si dating presidential spokesperson Haryy Roque na inaarbor sa PAGCOR ang illegal POGO sa Porac, Pampanga.
Sa madaling salita, isang taksil si Duterte. Ano ba ang parusa sa mga traydor sa bayan?
